26 November 2011

PUSO

...ang masaktan dahil sa pagmamahal


AKO AY OFW...dahil sa PAGMAMAHAL, PANGARAP at RESPONSIBILIDAD.



ANONG BUHAY MERON KA SA PILIPINAS NOON?
Isa akong drug pusher (medrep) OK na ang buhay duon may sasakyan na ako, manager na ako at masasabi kong GROWING ang career ko nuon.


ANO ANG NAGTULAK SA’YO NA MANGIBANG BANSA?
RESPONSIBILIDAD at PAGMAMAHAL: bilang panganay sa 3 magkakapatid na ulilang lubos na natakot akong hindi sapat ang aking kikitain para tustusan ang pangangailangan ng aking mga kapatid lalo na at papasok na nuon ang aming bunso sa kolehiyo.

PAANO KA NAPUNTA SA BANSANG PINAGTA-TRABAHUHAN MO NGAYON?
dinala ako ng isang mabuting kaibigan sabi kasi nya PATOK ang despusisyon, ekspiriensya, galing, talino ko sa bansang ito, ikinuha nya ako ng visit visa at saloob ng isang buwan kailangan kong makakuha ng trabaho at mailipat sa working visa; mabait naman si Lord sa akin sa loob ng isang linggo nakakuha agad ako ng trabaho at bago magisang buwan nabigyan ako ng working visa.

ANO ANG BUHAY MO SA KASALUKUYAN?
maayos naman wala na akong utang sa Pinas at nagagawa ko naman ang aking responsibilidad sa aking kapatid na pinag-aaral, pero napagtanto ko na kung yun lang pala ang dahilan ko KAYA ko rin pala syang pag-aralin kahit nasa Pilipinas ako.

MAY PAGSISISI KA BA SA PAGIGING OFW?
WALA NAMAN dahil hindi rin naman matatawran ang mga ARAL na natutunan ko dito, kumbaga MAS PINATIBAY AKO NG MGA EKSPIRIENSYA KO SA PAGPUNTA KO SA IBAYONG DAGAT, mga ekspiriensyang hindi mo mararanasan sa Pinas at kung maranasan mo man iba pa rin ang magiging reaksyon mo sa mga bagay-bagay. Dito kakayanin mo lahat, dito haharapin mo yun ng mag-isa, wala kang aasahan ang FAITH mo lang, lahat ng itinuro ng iyong mga magulang at matinding INSTINCT! hindi matatawaran ng aking pagiging OFW ang mga ekspiriensya at ARAL.

PAANO KA NAKAKA COPE-UP SA KALUNGKUTAN?
LIKAS AKONG MASAYAHIN (hindi ko naging issue ang kalungkutan at homesickness), sumayaw ako! nakipag kaibigan at pinatibay pa ang pananampalatay ko sa Diyos. SIMPLE ginawa ko ang mga bagay na magpapasaya sa akin.

HANGGANG KELAN KA MAGIGING OFW?
HINDI KO ALAM, sabi ko nuon mga 4 na taon lang pero dahil sa mga nagyayari sakin dito at sa mga kagananapan sa Pilipinas mukhang malayo pa talaga ako sa paguwi katulad kanina me balita akong natanggap na nagtanggalan na naman sa kumpnyang pinanggalingan ko sa Pinas--- so naisip ko anu rin ba ang uuwian ko bukod sa PAMILYA KO na mas kailangan din naman nila na KUMITA ako? so malamang dito muna ako.

ANO ANG PLANO MO PAGNAG FOR GOOD KA NA SA PILIPINAS?
sa mga oras na ito wala akong GUSTO at MAKAKAPAGPASAYA SAAKIN KUNDI ANG MAG-FOR GOOD sa Pilipinas... pero hindi lahat ng makapagpapasaya at gusto natin ay TAMA at makakabuti sa lahat, hindi pa OPTION para sa akin ang umuwi at mag for good siguro kapag nakatapos na ang kapatid sa kolehiyo ko saka ko lang iisipin

ANO ANG PINAKA DI MALILIMUTANG KARANASAN MO NG PAGIGING OFW?
KORNI man pero ang MASAKTAN dahil sa pagmamahal mababaw lang naman hehehe.

ANO ANG MAIPAPAYO MO SA KAPWA MO OFW?
iwasan nating masaktan ang PAMILYA natin back home, lalo na sa mga may asawa, hindi sapat na nalulungkot tayo, nag-iisa tayo para paulit-ulit nating saktan at paulit-ulit tayong magkamali sa ating mga kabiyak back home, dahil kahit saan tayo dumating tanging ang pamilya lang din ang uuwian natin at mamahalin tayo ng lubos, maaring magawa natin ng minsan pero sana TAMA NA ANG MINSAN laging iisipin "WHAT COULD BE MORE IMPORTANT THAN FAMILY."

LET-LET INCIONG, Qatar Ventures


No comments:

Post a Comment