26 November 2011

BAHAY KUBO

...isang bahay kubo na kahit munti

I have done something wrong why I become an OFW…A Call for survival, An escape, A Challenge?

ANONG BUHAY MERON KA SA PILIPINAS NOON?
Just like an ordinary citizen of the Philippines, I came from a big struggling family of nine-rank 3. Life is always not easy in a country suffering from the verge of poverty where there is unemployment coupled with lesser opportunities, not to mention some other worst situation. To work abroad or migration maybe the dream of majority as a solution- seeking or looking for a greener pasture. But, in my case a different thing happened. Ito ang aking drama sa pagiging OFW.

Pagkatapos ng aking pag-aaral at nakapaglisensya ng Nursing noong 1991, nakapagtrabaho ako kaagad sa isang Government Hospital sa lugar namin sa Bohol. Maganda at masaya ang buhay at trabaho ko bilang isang Registered Nurse, ang pagsilbi sa mga kababayan nating mahihirap na may sakit for 15 long years of service. Maganda- dahil nararamdaman ko na maraming tao ang natutuwa sa aking serbisyo. Masaya-dahil tuwing nakakarinig ako sa isang pasyenting nagpapasalamat, ako ay natutuwa rin na sadyang nakakataba ng puso, at wala akong pressure sa trabaho kahit na minsan- busy. Wala sa isip ko ang mangibang bansa kahit na noon pa ay maraming oppurtunities sa bansang America, Canada, Australia at kahit pasado ako sa mga exams patungong sa mga bansang ito na tinatawag nilang greener pastures. Hindi mataas ang ambisyon ko sa buhay kahit kami ay mahirap, kontento na ako sa buhay simple at masaya ako sa ginagawa ko. Pagkatapos ng duty ay pwede naman akong magsaya sa pamilya, at mga kaibigan, kumbaga working and playing at the same time. Naninilbihan din ako sa simbahan na aktibo sa youth ministry. Nakatulong din ako sa mahirap kong pamilya at sa mga kapatid sa pagtapos ng kanilang pag-aaral.

ANO ANG NAGTULAK SA’YO NA MANGIBANG BANSA?
Taliwas sa kagandahan at saya ng buhay ko sa Pinas, may mga pagsubok na aking naranasan-ang pagpasok sa malaking tentasyon ng aking buhay na naging problema. Isang pagkakamali na nagawa ko sa aking buhay gawa ng aking kahinaan. Una, ang paki-pagrelasyon sa isang babaeng kasama ko sa trabaho na may asawa. Pangalawa, my struggle against my own sexuality. Pangatlo, ang pagiging drug user dahil sa mga kaibigan na napunta sa drug dependence- na naging dahilan na mainit ang mga mata ng mga pulis sa akin (na sense ko lang) – in other words, under surveillance ako. Sa taong 2007, nag -apply ako ng Immigrant Visa sa bansang America na ang hinihintay ko ay ang appointment interview ng Embassy nila, ngunit hindi ako sinuswerte dahil nag-retrogression then nag –recession ang bansa na syang dahilan na hindi ako natawag for visa interview. Kailangan akong umiwas at umalis, at naisipan kong tanggapin ang alok ng aking sister na magpunta sa bansang Qatar sa taong 2008. Itong kapatid na babae na napagtapos ko sa kanyang pag-aaral na nagtrabaho sa Qatar ang syang nag-asekaso ng aking Qatar tourist visa.

PAANO KA NAPUNTA SA BANSANG PINAGTA-TRABAHUHAN MO NGAYON?
Nag-apply ako ng Indefinite Leave sa hospital na pinagtatrabahoan ko at lumipad ako sa bansang Qatar. Hindi ako handa sa sarili ko, besides, may takot ako sa bansang Arabo, at hindi ko rin alam kung ano ang mangyari sa akin-blanko ang nasa isip ko- ang importante makaalis ako ng Pilipinas. Pagdating ko sa bansang Qatar- sinimulan kong mag-apply ng trabaho at napasok ako sa isang Construction Company bilang Site Nurse. Magaan lang ang trabaho ko dahil pinagsisilbihan ko lang ang mga workers at laborers for minor injuries and ailments-malayo sa tinatrabaho ko sa hospital sa Pinas-pero iniisip ko mga tao rin naman ang pinagsisilbihan ko. Nakaranas ako ng sobrang depression sa pangingibang bansa, but I made measures to fight for it.

ANO ANG BUHAY MO SA KASALUKUYAN?

Sasabihin ko na lang na maganda siya at puno ng pasasalamat sa Maykapal, kahit na naranasan ko ang maraming struggles bilang OFW. Una, ang pag experience ko ng Drug Withdrawal na sobrang pagtitiis ko sa karamdaman ng aking katawan lalong lalo na ang depression. Pangalawa, ang pag adjust sa buhay ng ibang bansa- kagaya ng kalungkutan, home sickness, pangungulila, ang walang kalayaan sa gusto mong gawin at ang pag adjust sa kultura ng ibang lahi. Maganda ang naging trabaho ko dahil magaan, sobrang relax at walang pressures sa boss, ngunit ang pangunahing kaaway ko ay ang boredom.Sa kasalukuyan, patuloy kong sinusuportahan ang mga parents at mga kapatid ko sa Pinas na nangangailangan ng tulong financial kahit maliit lang ang naipadala ko. Ang importante naituloy ko ang pagtulong.

MAY PAGSISISI KA BA SA PAGIGING OFW?
Ang pagsisisi ay laging nasa huli, pero ano ang magagawa ko? Ito na ang buhay na pinapasokan ko.
Bilang OFW nakita ko na ang buhay ay kulang ng security of tenure in terms of finacial stability compared sa trabaho ko sa Pinas. Malaki man ang sinasahod ko dito compared sa Pinas, pero hindi ito ang dahilan para maging masaya ako, uhaw pa rin ako sa pagsilbi ng ating mga kababayan (korny diba?pero totoo). Ang pagsisising ito ay dahil sa malaking mali na nagawa ko sa aking buhay at ito ay minsan naging turning point ng aking buhay para magbago at pakapagsimula muli. Ang pagsisising ito ay ang naging dahilan din na napapalapit muli ako sa Panginoon.

PAANO KA NAKAKA COPE-UP SA KALUNGKUTAN?
Honestly speaking, malungkot ang naging buhay ko dito sa ibang bansa. Hindi ko na iniisip ang maganda at ang masaya kong buhay sa Pinas-mas lalo akong maging malungkot. Malungkot- dahil ang mga tao na naiwan sa Pinas ay demand lang nang demand na akala nila marami kang pera- to the point na minsan wala akong maitira para sa sarili ko, ni wala kang marinig na pasalamat man lang galing sa kanila-pambayad sa pagod mo. Pinagdasal ko sa Panginoon na bigyan nya ako ng lakas para patuloy na mamuhay. Iniisip ko na ang buhay ko ngayon ay isang challenge – a mission to fulfill. Iniisip ko rin na ang kalungkutan ay bahagi ng buhay. Weder- weder lang. Marami akong mga coping mechanisms na ginagawa para lang malabanan ang lungkot. Una, ang mataimtim na pagdarasal sa Panginoon-pangunahing nagbigay sa akin ng lakas, ang pag-isip ng mga magaganda at mabuting mga bagay, at ang makikipagkaibigan sa kapwa OFW at pagsali ng mga groups na syang nagbibigay ng aliw paminsan-minsan. Nakakaaliw din minsan ang pagamit ng internet at ang pagtawag sa mga mahal sa buhay sa Pilipinas. Salamat sa Panginoon sa teknolohiyang ginagamit natin ngayon.

HANGGANG KELAN KA MAGIGING OFW?
Hindi ko alam kong kelan ako magtatrabaho dito sa ibang bansa. Dahil kong kaya ng katawan at lakas ko, kakayanin ko. Pero hindi ako nakakasiguro dahil dito sa Gitnanang Silangan pwede ka nila tanggalin sa trabaho kong kelan nila gusto kahit exemplary ang ginagawa mo para sa kanila. Ang nature ng trabaho ko dito sa bansang Qatar ay project based- kung saan matatapos yong project, then end na rin ang trabaho mo. Kaya sa ngayon, hindi ko nakikita ang future ko bilang isang OFW. Ang tangi ko lang pag-asa ay ang patuloy na pag-aaruga ng Panginoon sa akin, basta trabaho lang ako ng trabaho. Sabi ko sa sarili ko: I should cease to inquire what the future has in store for me, but I should take it as a gift from God’s providence whatever the day brings forth. Dios lang ang nakaka-alam at sya na ang bahala.

ANO ANG PLANO MO PAGNAG FOR GOOD KA NA SA PILIPINAS?
Simple lang, kung uuwi ng Pilipinas, maganda kong magpapahinga na, “rest in peace”, hahaha. Maganda kong nasa bahay lang ako. Sa isang bahay kubo na kahit munti ay napaligiran ng sarisari. Pero hindi yan ang buhay na dapat kong gawin dahil alam ko na ma bored din ako sa mundong ito. Marami ang nasa isip kong mga plano sakaling uuwi na ako ng Pilipinas, ang pagbabago, ipagpatuloy ko ang pagsilbi sa simbahan at magtayo ako ng isang maliit na negosyo para matustusan ko ang aking simpleng pangangailangan, inshallah!

ANO ANG PINAKA DI MALILIMUTANG KARANASAN MO NG PAGIGING OFW?

Marami akong di malilimutang karanasan bilang OFW. Ang opportunidad na pagsilbihan ang ibat ibang uri ng tao na sadyang ikinatutuwa ng aking puso. Ang pagsabi nilang “Thank you” “Shukran” sa pag-alaga mo sa kanila- is such a fulfilling moment in your life. Ang pinaka di malimutang karanasan -ang pagsali ko sa “Banyuhay Dance Group” na syang nagbibigay sa akin ng opportunidad ng pagsayaw sa kulturang Pilipino kahit andito ako sa ibang bansa. Take note: hindi ko yan naranasan ng andun ako sa Pilipinas.

ANO ANG MAIPAPAYO MO SA KAPWA MO OFW?
Kakantahin ko lang ang awiting “Mahiwaga ang buhay ng tao”. Yan ang maipapayo ko sa mga Filipinong nangibang bansa, lalong-lalo na sa mga mataray na OFW.

REY BERSALONA, Redco Int'l Co.

No comments:

Post a Comment