28 November 2011

BAGGAGE


...lost baggage pa ko
 AY OFW, BUT there’s only one truth in my heart, ( and I  guess in every ofw ) that – “There’s no place like HOME” .... And We will always COME HOME....

ANONG BUHAY MERON KA SA PILIPINAS NOON?
Masasabi ko naman po na ang buhay ko noon sa Pilipinas ay masaya  kahit ito’y simple at payak lamang. Umiikot ang buhay ko sa trabaho, pamilya, kaibigan at mga pansarili at sosyal na aktibidades.                    


ANO ANG NAGTULAK SA’YO NA MANGIBANG BANSA?
Ako po ay breadwinner ng pamilya since nung pumanaw ang aking father noong 2004. Taong 2008, Nakita ko na nangangailangan ang pamilya namin ng mas malaking income para matustusan ang pag-aaral sa kolehiyo ng aking mga nakababatang kapatid, ganun na rin ang pang araw-araw na gastusin kaya nagdesisyon ako na maghanap ng trabaho abroad.

PAANO KA NAPUNTA SA BANSANG PINAGTA-TRABAHUHAN MO NGAYON?
Nagapply ako online sa isang website na nagaalok ng mga trabaho palabas ng bansa. At ayon nga, pagdating ng September 2008, lumipad na ako patungo ng Kuwait.

ANO ANG BUHAY MO SA KASALUKUYAN?
Ang buhay ko ngayon ay puno ng “adventures”, meron pa ring mga pagsubok, pero masaya at maraming akong natutunan at patuloy na natutunan.

MAY PAGSISISI KA BA SA PAGIGING OFW?
Wala po. I consider this a blessing, hindi lamang dahil sa tulong pinansyal sa akin at sa aking pamilya, kundi na rin sa mga bagay na natutunan ko at nadiskubre sa aking sarili. Sa pagiging ofw, mas lalo ko nakilala ang aking sarili, at mas lalo ko kong minahal ang “ako”. Dahil sa pagiging ofw, nachallenge ang iba’t ibang aspeto ng aking buhay – spiritual, social, mental, pisikal at “psychological” na mga aspeto.

PAANO KA NAKAKA COPE-UP SA KALUNGKUTAN?
Sa lagiang pagdarasal at patuloy na komunikasyon sa aking mga kaanak at kaibigan, salamat nalang sa mga makabagong teknolohiya. And I grab every opportunity na meron, to be socially active here.

HANGGANG KELAN KA MAGIGING OFW?
Sa ngayon, naiisip ko mag-ipon nang sa ganoon ay magkaroon ng puhunan para magkaroon ng sariling negosyo at makapagpatayo ng sarili naming bahay. Wala pa akong masabing tiyak na bilang ng taon na aking igugugol pa bilang ofw. For now, I will let things in my life unfold as they ought to, couple it with prayers and just hope for the best. But what I truly know, is that in my heart , there’s only one truth ( and I guess in every ofw ) that – “There’s no place like HOME” .

ANO ANG PLANO MO PAGNAG FOR GOOD KA NA SA PILIPINAS?
Nais ko sanang magsimula ng sariling negosyo at makapagpatayo ng pangarap na bahay.

ANO ANG PINAKA DI MALILIMUTANG KARANASAN MO NG PAGIGING OFW?
Nang Dumating po ako sa Kuwait, na wala pong sumundo sa akin from our Company plus, lost baggage pa ko. I sought help from a kabayan, pero unfortunately, mataray sha. It made me realize na, this is the beginning of “my ofw life”. Buti nalang, my former colleague from SV was here, so after a series of phone calls, nacontact ko sya and sinundo niya ako.

ANO ANG MAIPAPAYO MO SA KAPWA MO OFW?
Na sana, wag niyo rin kakalimutan ang inyong mga sarili. Hindi po in a selfish context, ngunit ang nais ko po iparating ay pagmamahal rin sa sarili. Matagal rin po bago ko naintindihan ito. But one day, an OFW for more than 20years, told me that, “the greatest hypocrisy is to give everything you have without giving something to yourself”. It is noble to be selfless and kind and compassionate, but at what expense, of your own?
Higit sa lahat, magtiwala sa Maykapal. Lagiang magdarasal, at maniwalang may dahilan Siya sa lahat ng mga bagay. And always find strength from God’s love and the love of your family and friends.

YVONNE AMENE, Kuwait Airways

1 comment:

  1. Aiwa! let's continue to be an OFW! - Nina

    ReplyDelete