25 November 2011

PLAY STATION


...play station, board games at iba pa...


AKO AY OFW noon , ngayon , at mag pa kailanman


ANONG BUHAY MERON KA SA PILIPINAS NOON?
Sakto lang ang buhay na meron ako sa Pilipinas noon hindi mahirap hindi rin naman mayaman.





ANO ANG NAGTULAK SA’YO NA MANGIBANG BANSA?
Symepre ang magkaroon ng mas magandang buhay hindi lang para sa akin kundi pati sa aking pamilya at magiging pamilya sa hinaharap.

PAANO KA NAPUNTA SA BANSANG PINAGTA-TRABAHUHAN MO NGAYON?

Sa tulong ng isang kamag anak, pinag apply nya ako sa kumpanya nila nung nalaman nya na matatapos na yung kontrata ko sa pinapasukan kong trabaho noon.


ANO ANG BUHAY MO SA KASALUKUYAN?
Sa ngayong pagiging OFW ko mas naging maluwag ang buhay naming mag anak, may kaunting sobra na sa kinikita upang makapag ipon at makapag handa para sa hinaharap at makamit ang mga pangarap namin sa buhay.

MAY PAGSISISI KA BA SA PAGIGING OFW?
Pagsisisi?, wala pang hihinayang lang sa mga panahong malayo ako sa mga mahal ko sa buhay na tumatanda akong hindi ko sila kasama pero pagsisisi wala.

PAANO KA NAKAKA COPE-UP SA KALUNGKUTAN?
Marami namang paraan para maka cope up dito sa kalungkutan, nandyan ang internet higit sa lahat, nandyan din ang telepono para marinig ko ang kanilang mga boses, meron ding mga laruan na nakakalibang tulad ng play station, board games at iba pa syempre paminsan minsan lumalabas din para mag party kasama ang mga bagong kaibiga.

HANGGANG KELAN KA MAGIGING OFW?
Pag alam kong tama na ang naipon ko para makapag simula na sa Pilipinas.

ANO ANG PLANO MO PAGNAG FOR GOOD KA NA SA PILIPINAS?
Mag negosyo yun ang plano ko pag nag for good na ko sa Pilipinas.

ANO ANG PINAKA DI MALILIMUTANG KARANASAN MO NG PAGIGING OFW?
Yung mga panahon na di ako nakauwi sa mga especial na araw ng aking mga mahal sa buhay.

ANO ANG MAIPAPAYO MO SA KAPWA MO OFW?
Kailangan magpaka tatag dahil ang pinakamahirap na kalaban natin ay lungkot magdasal palagi at humingi ng gabay kay LORD.



RANNIEL TRAPANE

  ;)

No comments:

Post a Comment