25 November 2011

BUHANGIN


...naglalakad kame sa buhangin naka corporate attire


Ako ay OFW, halos mag-aapat na taon na din ako dito sa Dubai, nagsimula akong mag abroad noong April 2008. Nagtatrabaho ako sa Emirates Airlines bilang isang Reservations and Ticketing Agent.







ANONG BUHAY MERON KA SA PILIPINAS NOON?
Simple lang din ang buhay ko sa Pinas. Pagkatapos ko grumaduate sa UST ay agad akong nakapgtrabaho sa Saudi Arabian Airlines. tumagal ako doon ng 4 na taon at dun natuto at nasanay sa larangan ng ticketing. Masaya ako sa trabaho dahil naging malapit na kaibigan ko na din ang aking mga kaopisina. At nakatira sa isang tahanan kasama ang aking pamilya.

ANG NAGTULAK SA’YO NA MANGIBANG BANSA?
Una sa lahat syempre ang mas malaking sweldo na mahirap kitain sa Pilipinas. At naghanap din ako ng growth sa career.

PAANO KA NAPUNTA SA BANSANG PINAGTA-TRABAHUHAN MO NGAYON?
Paminsan- minsan, sumasagi sa isip ko noon ang makita ang sarli ko na nagtatrabaho sa ibang bansa pero never ako gumawa ng paraan para mangyari yun. Hindi ko ito pinlano. May isa lang akong dating kaopisina na nag-udyok sa akin na magsubmit ng resume sa IPAMS dahil mayroon daw hiring noon sa QR, ngunit nahuli ako ng pagpasa, sa kabutihang palad meron din palang hiring sa EK kayat doon nila ako ni-refer. Sinubukan ko lng, sabi ko sa sarili ko pag nakapasa ibig sabihin ay para sakin eto, kung hindi eh di magstay nalng ako s dati kong work.

ANO ANG BUHAY MO SA KASALUKUYAN?
Ok naman ang buhay ko ngayon. Mas fulfilling kase mas nakakatulong ako ngayon sa pamilya ko sa Pinas. Hindi katulad dati na pinagkakasya ko lang ang maliit na sahod ko. Ngayon mas bukal sa loob ko ang magpadala ng tulong sa aking pamilya kase may extra money na ko. Nakapag adjust na din ako s buhay dito although, occasionally eh nakakaramdam pa din ako ng pagka homesick. Sa tulong ng mga naging kaibigan ko dito ay natutunan ko din ang magpakatatag at ang maging independent. Natuto ako sa mga gawaing bahay lalo na sa pagluluto pati na din ang maging matapang at ang makihalubilo sa ibat-ibang mga lahi.

MAY PAGSISISI KA BA SA PAGIGING OFW?
Para sakin wala. Kase marami naman din naging magandang resulta ang pangingibang bansa ko eh. Tulad ng mas nakatulong ako s family ko at natuto ako mamuhay at magsurvive mag isa sa malayong lugar.

PAANO KA NAKAKA COPE-UP SA KALUNGKUTAN?
Suwerte ako dahil may mga kaibigan na ako dito sa Dubai na nauna sakin dumating, kaya nung bago ako dito sila ang gumabay sakin at talgang inalalayan ako. Tapos my dalawa pa kong dating officemates sa Saudia na nahire din kasabay ko dito sa Emirates kaya kahit papano eh lumakas ang loob ko. And sa tulong na din ng internet, mas napadali ang pakikipagcommunicate ko sa aking mga kaibigan at pamilya sa Pinas.

HANGGANG KELAN KA MAGIGING OFW?
Kakarenew ko lang ng visa ko last February. Siguro isang renew pa ulit.. So mga 5 yrs pa, kelangan makaipon pa at makapundar ng bahay sa Pinas.

ANO ANG PLANO MO PAGNAG FOR GOOD KA NA SA PILIPINAS?
By that time siguro meron na din akong sariling pamilya. May bahay at lupa at sasakyan. Gusto ko magkaron ng sariling negosyo.

ANO ANG PINAKA DI MALILIMUTANG KARANASAN MO NG PAGIGING OFW?
Ang pinka memorable sakin is ung mga unang araw ko sa ibang bansa. Wala akong kaalam alam dito s Dubai.  Sa pag cocommute, hind ko makakalimutan ung naglalakad kami sa buhangin habang naka corporate attire dahil galing kami sa training at paguwi may bitbit na mga groceries habang naglalakad sa buhanginan sa ilalim ng init ng araw.Pero syempre di ko din makakalimutan ung mga taong tumulong sakin, ung mga naging kaibigan ko dito at itinuring na pamilya dahil kami kami lang ang nagdadamayan sa oras ng lungkot at kasiyahan.

ANO ANG MAIPAPAYO MO SA KAPWA MO OFW?
Una sa lahat ay ang mag ipon, wag puro luho ang unahin. Kelangan mag ipon para sa future kase hindi naman habang buhay ay magiging OFW tayo. Pag umuwi tayo sa Pinas syempre kelangn makita mo kung ano ung produkto ng paghihirap mo sa ibang bansa. Atsaka ang pahalagahan ang pamilya, ngyong kumikita tayo ng mas malaki kesa sa Pinas eh huwag natin kakalimutan ang mga pamilya natin sa Pinas. 



MS.SMILE, EMIRATES AIRLINES



No comments:

Post a Comment