25 November 2011

NURSING CAP


Ako ay OFW nakikipagsapalaran para sa aking pamilya.




ANONG BUHAY MERON KA SA PILIPINAS NOON?
Maganda naman buhay ko sa Pilipinas kasama pamilya ko.
NAGTULAK SA’YO NA MANGIBANG BANSA?
Nung maisip ko na lumalaki na anak ko and yung sinusweldo ko e hindi enough para mapagaral ko anak ko hanggang college kaya ko naisip magtrabaho sa ibang bansa. Parang step na din para makapagmigrate sa mas okay na lugar.

PAANO KA NAPUNTA SA BANSANG PINAGTA-TRABAHUHAN MO NGAYON?
Nakarating ako dito sa Singapore sumabay ako sa mga friends ko na mag apply sa isa sa mga agencies sa Pilipinas.

 ANG BUHAY MO SA KASALUKUYAN?
Sa kasalukuyan okay naman ako sa aking trabaho naka adjust na ng konti pero syempre sad pa din kase malayo sa mga family and friends ko sa Pinas.

MAY PAGSISISI KA BA SA PAGIGING OFW?
May konting pagsisisi kse parang feeling ko hindi ko naalagaan ng mabuti anak ko kse bata pa sya and madami akong namiss na milestones nya. 

PAANO KA NAKAKA COPE-UP SA KALUNGKUTAN?
Kapag nalulungkot ako tinatawagan ko sila lagi buti may mga video call na nauso ngayon. Tsaka nagsubscribe kme ng mga housemates ko sa TFC.

HANGGANG KELAN KA MAGIGING OFW?
I'm not yet sure kung hanggang kelan ako magiging OFW kse ang goal ko talaga is makapagmigrate sa ibang bansa kase mas okay ang mga benefits sa ibang bansa para sa occupation ko as nurse.

ANO ANG PLANO MO PAGNAG FOR GOOD KA NA SA PILIPINAS?
Di ko iniisip kung mag fofor good ako sa Pinas.

ANO ANG PINAKA DI MALILIMUTANG KARANASAN MO NG PAGIGING OFW?
Ang di ko makakalimutan sa pagiging OFW kung paano ako nagadjust mula sa umpisa ng aking trabaho kung paano naging harsh sa akin yung mga nakatrabaho kong local at kung paano ko yun nakayanan. How I became a stronger person yun ang di ko makakalimutan.


ANO ANG MAIPAPAYO MO SA KAPWA MO OFW?
Ang payo ko lang sa mga OFW just trust in the Lord, always pray and put your faith in HIM.

LIA SANTOS-AN, Singapore General Hospital

No comments:

Post a Comment