26 November 2011

PRAYER BOOK

...may prayer book ako sa wallet
AKO AY OFW...dahil sa aking pamilya,nagsimula ako sa Riyadh,Saudi Arabia hanggang dito sa Doha,Qatar.Nagsimula ako maging isang OFW way back 1992 to 1994 sa KSA. Sa isang hindi inaasahang pagkakataon "na ang isang kabarkada ay yayain akong mag-apply sa isang agency sa Makati..Walang iba kung hindi dahil sa aking "PAMILYA"...


ANONG BUHAY MERON KA SA PILIPINAS NOON?
Isang mahirap na pamilya ang nakagisnan ko sapul ng ako'y isilang. Masasabi kong kapos sa lahat! pero kumakain pa naman ng 3 beses mag-hapon.Plain housewife ang aking ina at magsasaka naman ang aking ama. Sumalangit nawa ang kanilang kaluluwa. Pinagsumikapan naman nila na maitaguyod ang aming pag-aaral at yung pang araw-araw na buhay. Pang anim ako sa 7 magkakapatid.Nang ako'y nasa second year college (BSC) ay namatay ang aking kuya na tumutulong sa aking mga magulang na maitaguyod ang akin pag-aaral.Nawalan na ako ng pag-asa na makatapos hanggang isang araw ay kinausap ako ng aking pinsan(ALBERTO CASTILLO) at aking mga magulang na tutulong siya hanggang ako'y makapagtapos.

ANG NAGTULAK SA’YO NA MANGIBANG BANSA?
I  pursue to work abroad just because of family. Isa pa lang ang akin anak ng magsimula sa Riyadh,KSA ng dahil na rin na ayaw ko danasin nia ang naging buhay ko noon bata pa ako.I want to give more comfortable life to them.


PAANO KA NAPUNTA SA BANSANG PINAGTA-TRABAHUHAN MO NGAYON?
After Riyadh nakapag-work din ako sa Dubai,UAE for 6 years then hanggang sa mabankante ng less than 2 yrs. at nagkapalad ng makapag-work again at heto nga nandito ako sa Doha,Qatar.

ANO ANG BUHAY MO SA KASALUKUYAN?
Sa kasalukuyan contented at malaking pasasalamat sa ating Panginoon at binigyan pa Niya ako ulit ng isa pang pagkakataon para masuportahan ang 3 anak ko sa kanilang pag-aaral at sa kanilang mga pangangailangan.

MAY PAGSISISI KA BA SA PAGIGING OFW?
PAGSISISI?????walang-walang ako pagsisisi sa pagiging isang OFW.Dito ko binubuhay ang aking pamilya.I don't have any Regrets...

PAANO KA NAKAKA COPE-UP SA KALUNGKUTAN?
Naiibsan ko ang aking kalungkutan sa mga modernong teknolohiya sa modernong panahon ngayon sa pamamagitan Celphone,internet,at sa pakikipagsalamuha sa aking mga kaibigan,ka-trabaho at paminsan-minsan na pamamasyal sa mall at sa ibang lugar na pwedeng makaalis kung meron man akong lungkot na nadarama.

HANGGANG KELAN KA MAGIGING OFW?
Sa ngayon wala pa sa isip ko kung hanggang kailan ako magiging isang OFW. I might say siguro hanggang sa mapagtapos ko ang aking mga anak.

ANO ANG PLANO MO PAGNAG FOR GOOD KA NA SA PILIPINAS?
Plano?masarap isipin na sana ok na ang lahat,I mean stable na mga anak ko o kung hindi man ay nakapagtapos na sila ng pag-aaral at kuntento na kming mag-asawa.Magkaroon siguro ng isang maliit na negosyo para habang nagkakaedad ay nag-e-enjoy pa rin kaming mag-asawa.

ANO ANG PINAKA DI MALILIMUTANG KARANASAN MO NG PAGIGING OFW?
Una sa Riyadh ng madala kami ng supervisor ko sa presinto ng mga Mutawa for serving our customer's (one lady at 2 gents),hindi ko pa alam noon na bawal pala mag-serve ng foods sa babae,I was just 2 or 3 mos. talaga yatang natrauma ako dahil may prayer book ako sa wallet at kinumpiska ng mga Police Mutawa un wallet ko sa kakadasal at sa tulong ng Poong Maykapal hindi "siya" nakita at pinapunit lang yun picture ng asawa ko na hindi ko naman ginawa.Secondly,noong namatay ang aking Ama na hindi ako naka-uwi dahil kakabalik ko pa lang from vacation at ubos na ang aking naipon.Pakiramdam ko noon para n rin ako namatay. at Third, nasundan ng isang napakasakit na pagkakataon ng namatay din ang aking Ina same story repeat itself, kakabalik ko pa lang din from vacation,.napakahirap danasin ng ganyan mga trahedya kung ikaw ay isang OFW.

ANO ANG MAIPAPAYO MO SA KAPWA MO OFW?
Ang maipapayo ko lang sa kapwa ko OFW ay maging matatag sa lahat ng mga pagsubok sa buhay,hindi madaling maging isang OFW na iniisip ng ilang kababayan natin na napakasarap lalo n kung ang isang OFW ay nagbabakasyon na akala yata ng iba dinala mo na lahat ang Dollar sa lugar na iyong pinagtatatrabahuhan. Mag-ipon ng pakonti-konting halaga para kung sa oras at biglaang pangangailangan ay may madudukot at higit sa lhat ay ang "PAGDARASAL SA ATING PANGINOONG HESUKRISTO" sa mga tulong,Blessings,pasasalamat at gabay Niya sa atin bilang isang OFW.

ANTONIO SEVILLA, WOQOD



No comments:

Post a Comment