...naglalakad kame sa buhangin naka corporate attire |
Ako ay OFW, halos mag-aapat na taon na din ako
dito sa Dubai, nagsimula akong mag abroad noong April 2008. Nagtatrabaho ako sa
Emirates Airlines bilang isang Reservations and Ticketing Agent.
ANONG BUHAY MERON KA SA PILIPINAS NOON?
Simple
lang din ang buhay ko sa Pinas. Pagkatapos ko grumaduate sa UST ay agad akong nakapgtrabaho
sa Saudi Arabian Airlines. tumagal ako doon ng 4 na taon at dun natuto at
nasanay sa larangan ng ticketing. Masaya ako sa trabaho dahil naging malapit na
kaibigan ko na din ang aking mga kaopisina. At nakatira sa isang tahanan kasama
ang aking pamilya.
Una sa lahat syempre ang mas malaking sweldo na
mahirap kitain sa Pilipinas. At naghanap din ako ng growth sa career.
PAANO KA NAPUNTA SA BANSANG PINAGTA-TRABAHUHAN
MO NGAYON?
Paminsan- minsan, sumasagi sa isip ko noon ang
makita ang sarli ko na nagtatrabaho sa ibang bansa pero never ako gumawa ng
paraan para mangyari yun. Hindi ko ito pinlano. May isa lang akong dating
kaopisina na nag-udyok sa akin na magsubmit ng resume sa IPAMS dahil mayroon daw
hiring noon sa QR, ngunit nahuli ako ng pagpasa, sa kabutihang palad meron din
palang hiring sa EK kayat doon nila ako ni-refer. Sinubukan ko lng, sabi ko sa
sarili ko pag nakapasa ibig sabihin ay para sakin eto, kung hindi eh di magstay
nalng ako s dati kong work.
ANO ANG BUHAY MO SA KASALUKUYAN?
Ok naman ang buhay ko ngayon. Mas fulfilling
kase mas nakakatulong ako ngayon sa pamilya ko sa Pinas. Hindi katulad dati na
pinagkakasya ko lang ang maliit na sahod ko. Ngayon mas bukal sa loob ko ang magpadala
ng tulong sa aking pamilya kase may extra money na ko. Nakapag adjust na din
ako s buhay dito although, occasionally eh nakakaramdam pa din ako ng pagka
homesick. Sa tulong ng mga naging kaibigan ko dito ay natutunan ko din ang magpakatatag
at ang maging independent. Natuto ako sa mga gawaing bahay lalo na sa pagluluto
pati na din ang maging matapang at ang makihalubilo sa ibat-ibang mga lahi.
MAY PAGSISISI KA BA SA PAGIGING OFW?
Para sakin wala. Kase marami naman din naging
magandang resulta ang pangingibang bansa ko eh. Tulad ng mas nakatulong ako s family
ko at natuto ako mamuhay at magsurvive mag isa sa malayong lugar.
PAANO
KA NAKAKA COPE-UP SA KALUNGKUTAN?
Suwerte ako dahil may mga kaibigan na ako dito
sa Dubai na nauna sakin dumating, kaya nung bago ako dito sila ang gumabay
sakin at talgang inalalayan ako. Tapos my dalawa pa kong dating officemates sa
Saudia na nahire din kasabay ko dito sa Emirates kaya kahit papano eh lumakas
ang loob ko. And sa tulong na din ng internet, mas napadali ang pakikipagcommunicate
ko sa aking mga kaibigan at pamilya sa Pinas.
HANGGANG
KELAN KA MAGIGING OFW?
Kakarenew ko lang ng visa ko last February. Siguro
isang renew pa ulit.. So mga 5 yrs pa, kelangan makaipon pa at makapundar ng
bahay sa Pinas.
ANO ANG PLANO MO PAGNAG FOR GOOD KA NA SA
PILIPINAS?
By that time siguro meron na din akong sariling
pamilya. May bahay at lupa at sasakyan. Gusto ko magkaron ng sariling negosyo.
ANO
ANG PINAKA DI MALILIMUTANG KARANASAN MO NG PAGIGING OFW?
Ang
pinka memorable sakin is ung mga unang araw ko sa ibang bansa. Wala akong
kaalam alam dito s Dubai. Sa pag
cocommute, hind ko makakalimutan ung naglalakad kami sa buhangin habang naka
corporate attire dahil galing kami sa training at paguwi may bitbit na mga
groceries habang naglalakad sa buhanginan sa ilalim ng init ng araw.Pero syempre di ko din makakalimutan ung mga taong
tumulong sakin, ung mga naging kaibigan ko dito at itinuring na pamilya dahil
kami kami lang ang nagdadamayan sa oras ng lungkot at kasiyahan.
ANO ANG MAIPAPAYO MO SA KAPWA MO OFW?
MS.SMILE, EMIRATES AIRLINES |
No comments:
Post a Comment