24 November 2011

PIGGY BANK

...Mag-ipon!!!
AKO AY OFW....DAHIL GUSTO KONG TUPARIN ANG MGA PANGARAP KO AT MAKATULONG SA PAMILYA.



ANONG BUHAY MERON KA SA PILIPINAS NOON?
Above average – di naman nakaranas ng hirap , gutom . Nabili ko naman ang mga gusto ko, nakapag aral sa pribadong paaralan. 3 kaming magkakapatid lahat nakatapos na ng pag-aaral. Isang OFW din ang aking ama. Ang aking nanay naman ang tumayong ina’t ama habang wala ang tatay ko.





ANO ANG NAGTULAK SA’YO NA MANGIBANG BANSA?
Kagaya ng marami, gustong masubukan mamuhay magisa. Maranasan na walang inaasahan kundi sarili lang. Makatanggap ng mas mataas na sahod.

PAANO KA NAPUNTA SA BANSANG PINAGTA-TRABAHUHAN MO NGAYON?
Nag apply sa Agency – sa dami dami ng nag apply isa lang pala ang kukuhain! :D

ANO ANG BUHAY MO SA KASALUKUYAN?
Di ko masasabing contented – kasi marami pa akong gustong mangyari! Pero Masaya ako, sa mga nangyayari sa akin, nakilala  , narating na iba’t -ibang bansa na sa palabas ko lang nakikita or nababasa lang.

MAY PAGSISISI KA BA SA PAGIGING OFW?
Noong una oo , kasi may  taong nawala sa proseso ng pag hahangad ko na mangibang bansa pero ngayon – WALA NA! Alam ko may ibang rason kung bakit ako napadpad sa DOHA.At yun ang aking tinutuklas.

PAANO KA NAKAKA COPE-UP SA KALUNGKUTAN?
Mga kaibigan – at sa kabutihang palad marami ako nito.  Maituturing na pangalawang pamliya ko na din. Facebook, skype, telepono – para makausap ang mahal sa buhay. Maglakwatsa sa loob at labas ng Doha.

HANGGANG KELAN KA MAGIGING OFW?
Mahirap sagutin, walang time frame.

ANO ANG PLANO MO PAG NAG FOR GOOD KA NA SA PILIPINAS?
Sana di na ako nagta-trabaho nun, may maliit na negosyo siguro. May maayos na pamumuhay, sariling bahay , sasakyan kapiling  bubuuin kong pamliya.

ANO ANG PINAKA DI MALILIMUTANG KARANASAN MO NG PAGIGING OFW?
Mga bansang narating ko, mga nakilala at naging bahagi ng buhay ko.

ANO ANG MAIPAPAYO MO SA KAPWA MO OFW?
Mag-ipon!!! OO! Yan din ang payo ko sa sarili ko kasi di ko magawa! Di natin masasabi hangang kelan tayo may trabaho e. Hangga’t mero pang sinasahod , matuto tayong magsave!
Huwag makakalimot sa pinanggalingan. Laging makipag communicate sa pamilya.A lagaan ang sarili. Matutong magpasalamt sa Diyos sa araw-araw, maliit or malaking bagay na nangyayari sa ating buhay.

MIA MONTOYA, QATAR AVIATION SERVICES/QR

No comments:

Post a Comment