29 November 2011

PACKAGE

magandang package...

AKO AY OFW sa China, bagamat panandalian lamang, isang Accountant sa Shekou napadala mula sa Pinas. Nagpapasalamat ako sa karanasang ito dahil ngayon ko naiintindihan ang kapwa OFW at kung ano ang kanilang pinagdadaanan.


ANONG BUHAY MERON KA SA PILIPINAS NOON?
Masaya dahil kasama ko ang pamilya ko kahit simple lang ang buhay, me community ako na kinabibilangan at kasama sa schedule ko sa buong linggo...kahit mejo hirap sa pera, kinakaya naman.



ANO ANG NAGTULAK SA’YO NA MANGIBANG BANSA?
Magandang package ang nagtulak dahil temporary expatriate ang binigay sa akin. Saka makakaipon kasi ako sa ganitong klaseng opportunity.

PAANO KA NAPUNTA SA BANSANG PINAGTA-TRABAHUHAN MO NGAYON?
Pinadala ako ng company ko sa Pinas kaya naassign ako dito sa China initially for 6 months hanggang naging 1 year, magandang opportunity kasi alam kong marami akong matutunan. Temporary expatriate ang category ng assignment ko.

ANO ANG BUHAY MO SA KASALUKUYAN?
Routinary, bahay-opisina-bahay. mas simple at relax dahil halos wala na kong masyadong ginagawa at yun nga boring.

MAY PAGSISISI KA BA SA PAGIGING OFW?
Sa tingin ko lang dapat naisama ko ang asawa ko sa assignment ko dito, pero since me chance naman na sya ang papuntahin ko dito o ako ang uuwi siguro ok na rin, masasabi kong di na rin ako nagsisisi sa pagtanggap ko nito.

PAANO KA NAKAKA COPE-UP SA KALUNGKUTAN?
Lagi akong nakikipagcommunicate sa mga mahal ko sa buhay via Skype, tawag sa telepono o emails. Buti na rin at me nakilala akong schoolmate na nagiging kasama ko sa gala every weekend.

HANGGANG KELAN KA MAGIGING OFW?
Salamat sa Diyos hanggang January 2012 na lang.

ANO ANG PLANO MO PAGNAG FOR GOOD KA NA SA PILIPINAS?
Tuloy lang din kung ano ang ginagawa ko before ko tanggapin ang assignment ko dito.

ANO ANG PINAKA DI MALILIMUTANG KARANASAN MO NG PAGIGING OFW?
Ang pagkakaroon ng kaibigan mula sa ibang kultura, makarating sa magagandang lugar, pagkakaroon ng sariling bahay na di ko na kailangang linisan (hehehe) at merong driver.

ANO ANG MAIPAPAYO MO SA KAPWA MO OFW?
Sana lang manatili sa kanilang kaisipan na ang dahilan kung bakit sila nangibang bansa ay para sa pamilya. Di maiiwasang malungkot pero me mga paraan para maibsan ito na hindi makakasira ng pamilya...humanap ng mga communities na makakapagpapaalis ng kalungkutan.

LIEZL MOLINA

No comments:

Post a Comment