22 November 2011

WEDDING RING

dito ko nakilala ang better-half ko
AKO AY OFW...and I'm happy to be a part of millions of OFW worldwide who rather choose to be apart just because of their UNCONDITIONAL LOVE to their family/ loved ones. We are here to provide them a good life and a positive future. 

ANONG BUHAY MERON KA SA PILIPINAS NOON?
Simpleng buhay lang po,nakatira kasama ng parents at sisters ko. Nagkaroon ng chance na makapag trabaho sa iba’t ibang company like sa Philippine Airline at Cebu Pacific. Masaya din ang buhay noon kasi laging may bonding moments sa pamilya, kamag-anak at mga kaibigan.


ANO NAGTULAK SA'YO NA MANGIBANG BANSA?
Hindi enough ang salary, dahil breadwinner po ako sa family so kailangan talaga ng extra income.

PAANO KA NAPUNTA SA BANSANG PINAGTA-TRABAHUHAN MO NGAYON?
Nag submit po ako ng resume and documents sa isang internet jobsite, then after a week, tumawag sila to inform me na hired na ko and I need to process my papers immediately.


ANO ANG BUHAY MO SA KASALUKUYAN?
Presently, okay naman po ang life ko abroad. I am working now in Kuwait Airways dito sa Kuwait. Nakakauwi once a year to visit my family sa Pilipinas, nagagamit ang travel benefit sa iba’t ibang bansa and may mga leisure activities pag day off . At ang latest po ay nag- aadjust but at the same time enjoying my marriage life, just got married last 30 October sa Pilipinas ng nagbakasyon kami ng hubby ko.

MAY PAGSISISI KA BA SA PAGIGING OFW?
Wala naman, kasi malaki naitulong ng pagiging OFW sa pagtaguyod ng life ng family ko, studies ng kapatid ko at pagkakaroon ko ng own property. Dahil din po sa pag- aabroad ko na-meet ang napangasawa ko, we are working in the same company, kaya no regrets po talaga ang pagiging OFW ko.

PAANO KA NAKAKA COPE-UP SA KALUNGKUTAN?
Actually, ito ang unang kalaban ng isang OFW kasama na yung homesick. I have the opportunity na makapag- work po as OFW sa 3 bansa, namely sa Palau, Qatar at ngayon sa Kuwait, masasabi ko na sanay na ko kahit papano na paglabanan ang lungkot. Just, keep in touch sa family sa Pilipinas, sa mga friends and use the opportunity of being away for self-discovery by broadening your horizon, try to have goal and passion into something and most of all, put God as a center of your life, for sure magiging better person ka pa instead of being lonely.

HANGGANG KELAN KA MAGIGING OFW?
Since, I recently got married, kung ma-bless kami to have a baby, I guess my hubby and I will discuss things kung ready and kaya na bang umuwi ako to take care of my baby na lang. But, still hazy pa naman ang plans paguwi permanently.

ANO ANG PLANO MO PAG NAG FOR GOOD KA NA SA PILIPINAS?
Due to the economic situation of our country, I rather be a working-mom or invest a small family business para may income pa rin at makatulong kay hubby.

ANO ANG PINAKA DI MALILIMUTANG KARANASAN MO NG PAGIGING OFW?
Marami, pero ang ‘pinaka’ siguro ay yung time na andito na ko sa Kuwait, dahil dito ko po nakilala ang better-half ko. Sa dami ng naging kasama at kaibigan ko kasing guys abroad, finally, we found each other. Sa abroad po kasi, masasabi ko na minsan mahirap makatagpo ng lalaki na single ang status or hindi complicated. Either, mag-pretend ang guy na single sya or ipipilit pa rin ang sarili kahit na may sabit. Kaya po, maraming temptations at forbidden love dito. That’s why, most unforgettable and unexpected na makatagpo ako ng ‘out of conflict’ na guy, at the same time, my ideal boyfriend/husband to be with me for the rest of my life.

ANO ANG MAIPAPAYO MO SA KAPWA OFW MO?
Once na andito na po abroad , wag tayong makakalimot sana sa pinanggalingan natin, always keep our feet on the ground. And for us to survive sa ibang bansa, we need to have an inspiration and goal. Inspiration to keep us going and goal para hindi maging nonsense at mauwi sa wala ang pag- aabroad natin. Furthermore, hindi sana mabawasan ang pagkatao natin habang nasa abroad, instead , lahat ng hirap at sakripisyo natin sa pangingibang bansa ang maging pundasyon natin sa ating mga sarili para maging complete person tayo. And remember in exchange of good deeds are blessings and achievements, kasama na dyan, para sa mga singles, na finally, baka sa abroad nyo makilala ang magiging kasama nyo hanggang pagtanda, just like me! Lastly, find more time to laugh..para hindi agad tayo tumanda and maiwasan din ang sakit. Take note, laughter is the best medicine, effective sa akin yan at mga friends ko abroad. So, Cheer up! and Cheers for being an OFW!!!

NINA BELZA, KUWAIT AIRWAYS


2 comments:

  1. Isa ako sa mga taong nakakita kay nina kung gaano yan ka-kalog.... and I agree with most of her answers here...:)

    ReplyDelete
  2. thanks myk!!let's enjoy bein' an OFW... - Nina

    ReplyDelete