21 November 2011

ANG OFW AY AKO!

AKO AY OFW ng Qatar. Dumating ako sa Doha November 12, 2006. Iniwan ko ang asawa ko at 2 anak. Yun panganay ay lalaki, 4 na taon gulang. Yun bunso ay babae, 2 taon naman.

ANONG BUHAY MERON KA SA PILIPINAS NOON?
Ang buhay namin ay masasabi kong masaya. Nagtatrabaho kaming mag-asawa iyung sweldo namin sapat lang sa araw-araw na pangangailangan at mga gastusin. Wala kameng sariling bahay. May ilang taon tumira kame sa amin tapos sa asawa ko tapos pinatira kame sa bahay ng lola ko. Graduate ako ng B.S.Tourism sa University of Santo Tomas. Kaya sa travel nakalinya ang career ko. Nagtrabaho ako dati sa Saudi Arabian Airlines ng 6 na taon tapos lumipat ako sa IAS (International Airline Services) more than 1year din ako dun.

ANO NAGTULAK SA'YO NA MANGIBANG BANSA?
Ayaw ko talagang umalis ng Pilipinas sana. Masaya akong nagtatrabaho at nagse-serve sa charismatic community ng Rivers of Living Water Catholic Community. Kaya lang may mga needs ang family namin na di natutugunan. Napagkasunduan namin mag-asawa na mag-abroad. Ang kasunduan namin ay kun sino ang mauna sa amin na may magandang alok overseas at may chance na makakasama ang buong pamilya. Isa pang dahilan eh para magkaron ng bahay at lupa. Yun matatawag naming sariling amin.


PAANO KA NAPUNTA SA BANSANG PINAGTA-TRABAHUHAN  MO NGAYON?
May mga kaibigan ako na nagwo-work  sa Qatar Airways(QR), Doha. Nagkataon may opening ulit sila kaya mag-apply ako sa IPAMS na recruitment agency ng QR that time.  First week ng October nag exam ako then interview tapos tuloy-tuloy na, ang bilis, November umalis na ko.


 ANO ANG BUHAY MO SA KASALUKUYAN?
Ang trabaho ko nalilinya pa rin sa travel. Ako ay ticketing agent ng Qatar Airways. Ako ang naunang umalis sa asawa ko. After 6 months plano kong kunin asawa ko tsaka 2 anak. Pero after 3months nakahanap ng sariling employer yun asawa ko kaya napaaga ang papunta nya sa Qatar. Tapos nun naka 6 months na ko kinuha ko na yung 2 bata. Ngayon, 5 taon na kong OFW. Ang asawa ko graphic designer sa isang Japanese Firm. Ang 2 anak namin nag-aaral sa Philippine School Doha.

MAY PAGSISISI KA BA SA PAGIGING OFW?
Wala akong regrets sa pag-alis ng Pinas at pag work abroad. Sana lang may ganitong opportunity sa Pilipinas para di na kailangang umalis. Iba pa rin pag kasama mo lahat ng pamilya mo.


PAANO KA NAKAKA-COPE UP SA KALUNGKUTAN?
Dito sa Qatar simple lang ang buhay. Ang aliwan lang dito ay mall. O kaya mga salu-salo sa bahay ng mga kaibigan. Tsaka salamat sa Facebook? Hehehe…Kidding aside, PRAYERS lang ang nakakapawi ng lungkot. Yun laging naka “connect” ka kay Lord. Dyan ka lalakas esp. sa bansang iba ang paniniwala at kultura. Sangga mo sa mga pagsubok sa buhay.

HANGGANG KELAN KA MAGIGING OFW?
Kung gugustuhin ni God mga 5years pa siguro. Pag natupad na mga pangarap namin.

ANO PLANO MO PAGBALIK NG PILIPINAS?
Ipapatayo na yung bahay namin. Magtatayo ng iba-ibang negosyo. Later on, may sariling foundation para sa nangangailangan.

ANO ANG PINAKA DI MO MALILIMUTANG KARANASAN AS OFW?
Ang buong buhay ko as OFW ay forever na di ko malilimutan. Ang pinaka siguro ay yung mga bonding moments naming pamilya lalo na yung travel moments namin.  Since, walang ibang pinagkaka-abalahan dito, close ang naging relationship naming mag-asawa pati mga anak.  Hindi habambuhay na naka-depende ang mga bata sa amin kaya at least etong child stage nila nasubay-bayan naming ang paglaki.

ANO ANG MAIPAPAYO MO SA KAPWA MO OFW?
Ang masasabi ko lang ay magpakatatag tayo sa ano mang pagsubok na hinaharap at haharapin natin. Matutong magpasalamat sa lahat ng blessings ni Lord. Wag lilimot na tumawag sa Diyos. 


CEL GISON, SR.RESERVATIONS AGENT, QATAR AIRWAYS



                                                                                                                                  

                                                                                                                                                                        
                                                                                                                 

No comments:

Post a Comment